An Attempt to Talk.
December 10, 2006
by MSLD
Malaki ang pagkakaiba ng pagiging babae at pagiging indibidwal.
Girls kasi, have this need to be beautiful in the eyes of others di lang sa mga lalake kundi pati na rin sa mata ng kapwa babae. I read somewhere that
…A man has value just because he is man.
A woman has to constantly prove her worth by ‘keeping herself up’…
Totoo naman di bah? Pag babae, dapat maganda. Dapat maayos tingnan lagi. Pag may kapinatasan—OUT. Pag perpekto—IN. Pag walang curves—NEVERMIND. Kaya maraming babae ang insecure dahil sa mga ganito kababaw na pananaw ng society. But to be an individual, you only have to satisfy yourself. Pangit ka mang tingnan, kung kumportable ka naman, kiber? wala kang pake. You don’t give a damn thing kung baduy ka sa paningin ng mga mapanghusgang mata ng tao. Who cares? Ang mahalaga sa’yo, na-express at na-satisfy mo ang pinakamahalagang indibidwal sa buhay mo—yourself.
If I were to choose? I’d rather be an individual. Not feminine. Pero aminado ako na kahit ano’ng gawin ko, nilikha ako at ipinanganak na babae. At guilty ako sa mga kababawang ito. I have the need to be beautiful, to love, and to be loved. Maging ako, uhaw din sa atensyon at paghanga mula sa kabilang gender at sa kapwa ko babae. Ganunpaman, I never cease to battle against these needs. Ang mga pangangailangan kasing ito ay nagsisilbing weak point ko—kahinaan. Imbes na magpakatotoo, naka-preso ako sa consciousness… sa vanity… sa bumubulusok na self- esteem… at insecurity.
Conscious ako. Sobra.
Vain ako? hindi masyado. Pero me pagka.
Insecure? Pwede. Pwede ring hindi.
Patunay na hindi pa ako ganap na individual. Nabubuhay pa rin ako sa dikta ng society.
Pero isn’t true na challenge ito na dapat lang harapin?
Gusto kong matutunang makuntento sa kung anumang meron ako dahil naniniwala akong ganon ang isang tunay na individual.
Gusto kong matutong lumaban at manindigan dahil alam kong ganon ang isang tunay na individual. Naalala ko tuloy ‘yong nabasa ko sa librong Beauty Secrets ni Wendy Chapkis,
…only then can we be encouraged to give bold expression to our fantasies, and find the daring to do the unusual rather than falling back on the safely ‘appropriate’…
I am not aiming to learn how not to love. Nor am I dreaming to feel unloved dahil hindi ganon ang isang tunay na individual.
I want to learn, however, to accept that I may not be loved by those people I want to love me and still be happy despite that fact.
Hindi nga ba’t ganon ang isang tunay na individual? Masaya may kasama man o mag-isa. Tanggapin man o hindi. May magmahal man o wala.
Cool post! I agree. And I believe, this does not only apply to women but to the men as well.
ReplyDelete