Friday, September 4, 2009

Sumbongerang balat-sibuyas.

kakatapos lang ng Persons namin. kakarating ko lang sa bahay.
kaasar. buraot. kabanas.

baket?

sabi ni mam kanina isa lang daw sa amin ang malamang pumasa. and she implied na that classmate was the only one reading.

i've got nothing against top2 huh? totoong may iba sa'min na hindi masyadong nagbabasa. but with all due respect, i personally know na may iba din naman na nagbabasa [isa na'ko don] at nag-aaral at may karapatang pumasa. that classmate deserves to be praised for his critical thinking but not because sya lang nagsusunog ng kandila.

ang totoo nyan, isa 'tong kaklase kong 'to sa mga kinaiinggitan ko for his analytical mind and i do not have anything agains him. talaga lang mejo balat-sibuyas ako sa remark na yun kanina ng teacher namin.

ayan tuloy, lumalabas pagka-sumbongera koh. hmfp.

*************

inaamin ko namang i've been somewhat remiss this past few days. siguro nga wala akong karapatan maghinanakit. pero pa'no naman yung past performances?? yung overall? hindi man ako ang pinakamagaling sa klase, at least naman papasa ako. i do not believe otherwise. i do read my books. and i do try to understand.

pero masaklap mang isipin, wala naman na siguro akong magagawa kung bopol ako pagdating sa paghahanap ng butas sa mga binabasa koh. ako kase yung tipo ng tao na hindi masyadong mapag-suspetsa at hindi reklamador. in other words, isinilang lang talaga akong utu-uto.

gayunpaman, i strongly believe, no-- extremely-absolutely, believe na kung effort at dedication ang pag-uusapan ay papasa ako.


*************

mejo OA nga siguro 'tong reaction koh. pero talgang hurt ako. hurt na hurt. at naging matagumpay ang araw na ito sa pag-discourage sa akin.

No comments:

Post a Comment