whoa! ang saya. may pasok ako in a couple of hours. may nakamamatay na oral recitation. at pasahan na rin ng case digests. pero ang magaling na ako, ano gawa ko???
eh di nag-edit ng blog layout! hahah. sige lang. masaya naman. basta from now on, magsusulat na talaga 'ko. i'm gonna write whatever's in my mind. stress reliever daw 'tong blogging eh. masubukan nga.
hanga talaga ako sa mga bloggers gaya ng mga sinusundan kong blog. galing talaga! saludo ako. kung tutuusin mga hamak na bata ang karamihan. i think naglalaro lang sa bente hanggang late twentie's yung mga makabagong blogger. mala-Bob Ong na style sa pagsulat. Direct to the point. Tagalog. English. Taglish. o ibang vernacular. Nice. Ramdam na ramdam ko yung pagiging totoo nila sa sarili nila whatever other people may think about them-- bagay na walang-wala ako. pero hindi pa naman huli ang lahat, hindi bah?
sa totoo lang hindi ako makasulat ng matino kase lage akong nami-mental block. sa isp ko dapat kahang-hangang obra ang maisulat koh. ayan tuloy. may limang taon na akong nagsimula mag-blog pero hindi pa rin regular updates ko dito at sa mga ancient bloggadagz koh.
i forgot. hindi naman 'to writer's workshop. hindi literary contest. at lalong malayong nobel prize for literature. hahah.
kaya simula ngayon, ISINUSUMPA KOH! magsusulat na talaga ako. maski anong estado ng utak o mood meron ako.
napakasaya ko! bwahahahhah....
dmdlaw slamat sa pagtangkilik ng bucosalad
ReplyDelete